(via thecrazyfilipino)
(via thecrazyfilipino)
STOP SCROLLING.
you have a nice butt
OKAY. CONTINUE.
wow this couldn’t have come at a more relevant time
(Source: dirty-purple-suit)
(via asdfghjkllove)
SLHSH OB Ward 11-7
Yan yung first ever exposure ko sa clinical area. First time ko magduty sa hospital. Naalala ko lang kasi yung first time ko sa Delivery Room.
First 2 days, nagbabantay lang kami ng mga nanay na naglalabor. Eh paano ba naman kasi, di ko alam kung bakit ang malas ng group namin. Kami yung nasa Labor room magdamag tapos manganganak sila sa susunod na shift. Kinukuha lang vital signs- temperature, pulse rate, respiratory rate at BP. Nagbibilang ng contractions at fetal heart rate. Nagleleopold’s din kami. Kahit man ganun lang ginagawa namin, makikita mo talaga sa mga nanay dun yung sakit at paghihirap nila. Grabe. Alam mo yung feeling na gusto mong mailabas na agad yung baby para di na siya nasasaktan, ganun yung nafeel ko nun. Nakakapanic kasi e. Nakikita mo silang umiiyak at umaaray. Lalong lalo na yung mga first time moms. :O Napaisip tuloy ako nun kung ano itsura ng mama ko nung pinaglalabor ako. Lalo naman nung pinapanganak na niya ako. >_<
3rd night na namin sa hospital. Walang naglalabor so sa ward lang kami naka assign lahat. Tapos ako for admission pa. Ang busy ko nun sa patient ko sa ward. Tapos may biglang dumating na patient. Nag IE, 10cm na! :O
“Ms. Meullo, mag scrub suit ka na. Circu ka diba?!”
Kung hindi ako sinigawan ng CI ko, di pko makakagalaw. So yun. Since circulating nurse ako, lakad dun lakad dito. Assist dito, assist dun. BP BP BP. Inject. Regulate. Di ko magawa ng maayos yung trabaho ko. Nakikita ko kasi yung nanay na nahihirapan. Nagrereklamo siya na di niya kaya. Naiiyak. Waaa! Baby labas na. Dalian mo, wag ka na makulit. Err. Ayaw pa rin. Fundal push daw sabi ni doc. Kaming mga nasa DR, moral support lang. Sabay sabay kami sa pagsabi ng push at pagbibilang. Ganito pala kapag nanganganak. Pinapanood ko palang, nahihirapan na rin ako. Tapos hanggang sa nakita ko na na lumabas yung ulo ng baby. Pinunasan na yung mukha. Hanggang sa lumabas na nga yung buong katawan niya. Sumigaw nko ng “Baby Boy out, 3:13AM” Actually di ko sure yung oras. Masyado kasi akong naamaze sa paglabas nung baby.
Paglabas ko ng DR. Naisip ko si mama. Tinext ko siya.
Ako: Ma, thank you. I love you.Mama: Saan? Akala ko naman emergency. Alas tres anak oh.
Ako: Sorry. :) Basta, sa lahat.
Mama: Ano nangyari sayo? Ano nanaman ginawa mo?
Ako: Hahahaha! Wala po. Nag assist ako sa delivery kanina e. Ganun po pala yun ma.
Mama: Kaya pala eh. Kita mo na? Sakit noh? Oh. Balik ka na dun. Pagalitan ka ng CI mo, dba bawal kayo gumamit ng phone? I love you too. Now, concentrate. Okay?
Nag thank you lang, may nagawa agad? Hahaha. Di ko kasi madalas sabihin, kaya siguro. >:) Kahit na madalas kami mag asaran, kahit na minsan nagkakapikunan at merong mga times na naiinis na kami sa isa’t isa. Pag naiisip ko yung first assist ko sa delivery, narerealize ko kung gaano siya naghirap sa akin. Drama ko lungs, sorry. Pero kasi ng dahil sa duty na yun, mas nakita ko yung value ni mama at mas naappreciate ko siya. (Thank you Nursing!)
estupidongjuantamad asked: Nakakatuwa e no choi? HAHAHHAHA :D Saya magsagot ng practice questions. mas madami ako nalalaman. Kaysa sa mga lectures lectures hehe
Waaa. Sorry naman kuya ngayon ko lang nabasa. :)) Oh? Pasend nga ako ng mga questions na yan para di nko makinig sa discussions ng instructors ko. >:) Jokes. Mahirap ba kuya? Shocks. 3rd year nko sa pasukan. Lagot naaaa! Magsisimula na torture. -_-
(Source: attacks-of-depression, via girlfromparis)
(via makemestfu)
(via diabolisch)
(Source: staypozitive)





